Nagsimula ang istorya ni DONYA NIDORA ESPERANZA y ZOBEYALA BEYUDA DE EXPLORER sa bansang Espanya kung saan sya ipinanganak ng tatay at nanay nya na ang pagkakakilanlan ay di pa natin mabatid sa ngayon.
Ayon sa historical records, si Donya Nidora ay ipinanganak nuong bandang late 1800s sa bansang Espanya. Galing sa mayamang angkan ng familia Esperanza si Nidora. Ang tatay nya ay si Ginoong Esperanza at ang nanay nya as si Ginang Zobeyala. Nagaral sya ng elementarya sa Universidad de Salamangca.
Duon sa eskwelahan na yan, naging kaklase ni Donya Nidora si Francisco ('Lolo Franing').
Naging magkaklase rin nung highschool si Senyora Celya at Nidora, pati na rin si Francisco.
Kung tutuusin, nuong panahong iyon, maitatawag mo na mag BFF si Nidora at si Senyora Celia.
Ang tsismis noon (at ito ay pawang bali balita lamang), ay nagkakainggitan ang magkaibigan. Madalas silang magpaligsahan lalo na sa kanilang klase. Nung lumaon ay naging Valedictorian si Nidora at natalo nito si Celia na sya naman naging Salutatorian. Para makaganti ay patagong inakit ni Celia si Francisco.
Nahiwalay ang kanilang landas nung giyera sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya (Spanish American War). At dahil sa giyerang ito, lumipat ang pamilyang Esperanza sa bansang Alemanya (Germany).
Hindi na nagkita sila Celia at Nidora simula noon. Dahil sa giyera, haghiwala silang may tampo pa rin sa isat isa, ngunit si Francisco at patuloy nakikipag sulatan pa kay Nidora maski nakaalis na ito papuntang ibang bansa. Wala pang twitter at dubsmash noon kaya old school sulatan at kamustahan ang nangyayari.
Nagkaroon pa ng despedida noon para kay Nidora.
Sa Alemanya na nakilala ni Nidora ang kanyang ex-boyfriend na si Hitler. Wala pang giyera nuon. Isang hamak na pintor noon si Hitler. At dahil nung mga panahong iyon eh hindi pa sikat si Hitler. Palaboy laboy lang ito, walang matinung trabaho. Papinta pinta lang, at dahil dito binasted nya ito dahil naisip ni Nidora na hindi ganun ang gusto nyang maging kasintahan. Wala raw itong patutunguhan kung ganun lang ang kanyang iibigin.
Dito natauhan si Hitler. Pinangako nya sa sarili nya na aasenso ang buhay nya at pag nangyari iyon, aakitin nya uli si Nidora. Dito na nagpasya si Adolf na sumali sa military. Kung tutuusin, si Nidora ang dahilan kaya nahikayat si Hitler na sumali sa military.
(Continue to Lola During World War 1)
Lola during Age of Discovery
Lola during Ancient China
Lola during World War 1
Lola during Spanish Civil War
Lola during World War 2
Lola sa Hollywood
No comments:
Post a Comment