Lola During World War II

Nung pumutok ang World War II ay nagsimula na ang paglalayo ni Hitler at Nidora.  Hindi nagustuhan ni Nidora ang pamamaraan ni Hitler.  Masyado nitong inalipusta ang mga hudyo.  Hindi na makatao ang kanyan ginagawa ayon kay Nidora.  Naiisip nya tuloy na mali ang kanyang pagibig kay Hitler.

Nagkataon naman na may nakikitang bagong "tisoy" na mukha itong si Nidora.  Habang parating nababasa ni Nidora sa dyaryo itong bagong makisig na lalaki,  lalong napapalapit ang loob nito.  Kung baga sa panahon ngayon "Crush" ito ni Lola.

Naikwento ng kaibigan ni Nidora na itong makisig na tisoy ay may "dimples".  Lumaki ang mata ni Nidora sa tuwa.

Naglakbay si Nidora papuntang Pilipinas dahil duon naka destino itong lalaking to.  Heneral din ang kanyang bagong Crush.  Ito'y walang iba kundi si Douglas MacArthur.




Makaraan ang ilang linggo lamang at nagkakilala na sila ni Douglas.




Nung panahong iyon at sadyang mailap ang tadhana.  Si Douglas ay kilalang playboy.  Gwaping naman kasi, kaya patago kung magkita sila.

Si Nidora ay isang registered nurse. Sumama ito sa Navy para lang mas dumami ang "AirTime" nila ni Douglas.



Nung lumaon, na diskubre nya na wala talagang "dimples" si Douglas.  Ang napapabalitang "Dimples" ni Douglas ay isang Scottish Filipina Actress na kinagigiliwan ni Douglas na nag-ngangalang Elizabeth Cooper.  Durog na naman ang puso ng Lola nyo.  May kahati pala sya.

Naging nurse si Nidora sa isang barko na ang tawag ay  USS Eldridge.    Ngunit ang USS Eldridge ay may controbersyang kinasangkutan.  Ginamit itong barkong ito sa tinatawag na Philadelphia Experiment. 

Ang layon ng Philadelphia Experiment ay gumawa ng isang teknolohiya na magiging invisible ang isang sasakyan.  Ngunit nagkaroon ng aberya sa experiment.  Naging invisible nga ang barko ngunit may side effect ito.   Ang  epekto nito ay ang ibang crew, kasama na si Nidora ay labas pasok sa tinatawag na "portal" o "wormhole" at bigla itong napupunta sa ibang panahon.

Minsan at napupunta si Nidora sa panahon ng Ching Dynasty sa China bilang isang concubine.



Minsan naman, sa panahon ng giyera ng mga Americano (American Civil War).




At minsan rin at napunta sya sa panahon ng ating mga bayani sa La Solidaridad



Ang isa sa magandang kwento at yung napadpad sya sa panahon na tinatawag na "Age of Discovery" kung saan na nakilala si Ginoong Explorer na kanyang mapapangasawa.


Mula noong aksidente sa Philadelphia Experiment, hindi makontrol ang bigla biglang pag labas pasok ni Lola sa wormhole.  


At dahil madalas ang pabago bago ng panahon kung saan sumusulpot si Nidora, dito na  nakuha ni Lola Nidora ang katagang "SA TAMANG PANAHON".


Ngayon naintindihan nyo na kung bakit parati nya binabanggit ang mga salitang iyon.


(continue to After World War 2)

No comments:

Post a Comment