Lola in Age of Discovery
Dahil na rin sa di inaasahang pag labas pasok ni Nidora sa wormhole dahil nga sa Philadelphia Experiment nuong World War2, napadpad sya sa panahon ng "Age of Discovery". Dito nakilala nya ang kabarkada ni Antonio Pigafetta na si Ambrosio Explorer.
Magkasama sila Antonio at Ambrosio na naglalakbay sa buong mundo nuong panahon na yon para tumuklas ng panibagong lupain.
Dahil na rin sa may nunal sa paa si Nidora, sumama sya sa mga paglalakbay nila Ambrosio Explorer at Antonio Pigafetta.
Makaraan ng kalahating taon na panliligaw ni Ambrosio Explorer ay nagpasya na silang magpakasal.
Isang engrandeng kasal ang nangyari. Humarap sila sa dambana, at isang Obispo ang nagkasal sa kanila.
Lumakad si Nidora. Napaka ganda ng gown nya. Maiyak iyak pa sya habang lumalakad. Sinalubong sya ni Ambrosio. Humarap sa altar at nagsimula ang seremonya. Nailagay ang veil, ang cord, ang kandila. Sinabi ng Obispo,
"Nidora Esperanza, tinatanggap mo ba si Ambrosio bilang iyong kabiyak mula ngayon hanggang walang hanggan?". "Opo" ang sabi ni Nidora.
Si Ambrosyo naman ang tinanong, "Ambrosio, tinatanggap mo ba si Nidora bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa?". "Opo" ang tugon ni Ambrosio.
"Kung sa gayon, binabasbasan ko ang itong pagsasamang ito, sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo", maari mo nang halikan ang iyong asawa ginoong Ambrosio.
Tinanggal ni Ambrosio ang belo. Si Nidora napapikit, at habang nakapikit, unti unting lumalapit ang mga labi ni Ambrosio. Hinawakan ni Ambrosio ang mukha ni Nidora upang haplusin at habang lumalapit na ang kanilang mga labi, biglang bumukas ang "wormhole" sa ilalim ng paanan ni Nidora. Nalaglag si Nidora sa wormhole at naiwan si Ambrosio.
Kabago bagong kasal eh naging biyuda agad si Nidora.
Sabi ni Nidora sa kanyan sarili, 'Wala atang Forever'
Dinala si Nidora ng wormhole sa susunod na destinasyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)
No comments:
Post a Comment